-- Advertisements --

Kinumpirma ng Buckingham Palace na magho-host si King Charles ng isang pangalawang state visit para kay US President Donald Trump sa huling bahagi ng taon.

Tinanggap ni Trump ang imitasyon bilang first elected political leader na iimbitahan sa dalawang state visit ng isang British monarch na ikinagalak naman ng Amerika.

Bagamat wala pang petsa na itinakda, inaasahan ang state visit na magpapatibay ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, lalo na sa gitna ng mga pandaigdigang isyu.

Kasama sa mga tradisyon ng British state visit ang engrandeng seremonya at state banquet, ngunit wala pang detalye kung ano ang eksaktong plano para kay Trump.

Si Trump ay napabilang sa mga exclusive groups sa Estados Unidos na makakadalo ng state visits sa Britain, kabilang na sina Barack Obama at George W. Bush.

Magugunitang hindi na una para kay Trump na makasama ang Royal Family sa unang pagkakataon sa Britain una na rito si Prince Charles, noong 2018 at isang pribadong lunch kasama si Queen Elizabeth noong 2019.