-- Advertisements --
Naniniwala si US President Donald Trump na hindi magtatagal na ang muling labanan nila ng Iran.
Sinabi nito na kontrolado na ng US ang Strait of Hormuz matapos ang ginagawang panibagong pag-atake.
Kada araw aniya ay natutulungan niya ang mga barko na ligtas na dumaan sa Strait of Hormuz.
Lahat aniya ng mga inilalagay ng mga Iran na mines ay kanilang tinanggal na.
Nakaganti rin aniya ang US sa ginawang pag-atake ng Iran sa mga US bases na makikita sa Jordan.
Magugunitang muling sumiklab ang pag-atake ng US sa Iran matapos ang ginawang harassment nila sa mga barko na dumadaan sa Strait of Hormuz.
















