kim jung un trump
Trump and Kim

Umaasa si US President Donald Trump na hindi missile test ang sinasabing “Christmas gift” ng North Korea para hindi na magdulot pa ng tensiyon sa Korean region.

Sinabi ng US President, na maaaring isang magandang paso o flower vase ang ibibigay ng kanilang lider na si Kim Jong Un at hindi missile.

Sinabi pa ni Trump na handa nilang tanggapin ang anumang regalo at kanila itong tutugunan kung ano man ito.

Magugunitang nagbanta ang North Korean lider na may regalo itong ibibigay ito sa US ngayong Pasko kapag hindi gumawa ito ng hakbang para matuloy na ang nuclear talks ngayon taon.