-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang US State Department sa imposter ni Secretary of State Marco Rubio.

Gumamit kasi ang hindi pa kilalang suspek ng Artificial Intelligence para kausapin ang tatlong foreign ministers.

Gumamit ng artificially-generated voice ni Rubio ang suspek para makontak ang mga opisyal sa pamamagitan ng Signal messaging app.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng State Department na kinontak ng suspek ang limang indibidwal kabilang ang foreign ministers , isang US governor at member of Congress.

Dahil dito ay papalakasin na ng State Department ang kanilang cybersecurity defences.