-- Advertisements --

Mahigit 3,773 pamilya o katumbas ng 13,006 indibidwal ang apektado ng bagyong Bising sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) nitong Linggo.

Ayon kay OCD officer-in-charge Bernardo Rafaelito Alejandro IV, paunang ulat pa lamang ito at maari pa aniyang tumaas ang bilang. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi hinggil sa pagtama ng bagyo.

Iniulat pa ng ahensya na may mga pagbaha din silang namonitor sa Region I, II, CAR, subalit unti-unti na itong humuhupa. Bukod sa mga pagbaha apektado rin ang limang kalsadang hindi madaanan ngunit isinasagawa na ang clearing operations.

Nag-iwan din ng bahagyang pinsala sa ilang kabahayan si Bising bago ito tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes.

Nag-iwan naman ng bahagyang pinsala sa ilang kabahayan si ”Bising” bago ito tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes.

Samantala, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng muling pumasok ng PAR ang bagyo ngayong Linggo ng gabi o Lunes ng umaga bago tuluyang tumama sa China sa Martes.