-- Advertisements --

Nagpapatuloy ang mga operasyon para sa mabilisang pagbangon ng mga lugar sa Rehiyon ng Bicol na nasalanta ng bagyong Uwan, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region V.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD Bicol Region Director Claudio Yucot na prayoridad nila ngayon ang mabilis na pagbangon ng mga lalawigan, lalo na sa usapin ng kuryente at suplay ng tubig.

Ayon kay Yucot, inaasahang aabot ng 15 hanggang 20 araw bago tuluyang maibalik ang sistema ng tubig sa probinsya ng Catanduanes.

Dagdag pa niya, wala pa ring kuryente sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay (maliban sa ilang bahagi ng Legazpi City at Daraga), Sorsogon, at Masbate.

Ito ang pangunahing problema ngayon sa rehiyon na kailangang solusyunan sa lalong madaling panahon, ayon sa opisyal.