-- Advertisements --

Matinding problema sa suplay ng kuryente ang kinakaharap ngayon ng buong Mountain Province kasunod na pananalasa ng t ng Super Typhoon Uwan sa lalawigan.

Dahil sa lakas ng bagyo, lubhang napinsala ang mga imprastraktura na nagbibigay ng kuryente sa rehiyon, kaya’t wala pang suplay ng kuryente sa kasalukuyan.

Ayon sa pinakahuling ulat na inilabas ng Mountain Province Electric Cooperative (MOPRECO), na siyang pangunahing nagbibigay ng kuryente sa lalawigan, tuluyan nang naputol ang daloy ng kuryente sa buong lalawigan pasado alas-diyes ng gabi kahapon, Nobyembre 10.

Dagdag pa rito, sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines Spox Melma Batario na ang mga linya ng NGCP na nagsusuplay ng kuryente sa Mountain Province ay labis ding naapektuhan.

Sa kasalukuyan, puspusan na ang isinasagawang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga tauhan mula sa NGCP at MOPRECO.

Bukod pa sa problema sa kuryente, nahihirapan din ang komunikasyon sa buong lalawigan. Ito ay dahil sa epekto ng bagyo sa mga imprastraktura ng komunikasyon, kaya’t limitado o walang signal ang mga cellphone at internet sa maraming lugar.