-- Advertisements --

Dahil sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente, ipinaliwanag ng NGCP na ang pagtaas ng transmission rates ay dahil sa Maximum Allowable Revenue at under-recoveries mula 2016 hanggang 2022.

Ayon sa NGCP, tataas ang transmission rates mula 46 centavos/kWh noong Hunyo 2025, sa 59 centavos/kWh sa Hulyo 2025, na mararamdaman sa Agosto 2025.

Dagdag pa ng NGCP, kinokolekta lamang nila ang mga hindi nasingil mula 2016 dahil sa hindi pagkakaroon ng 4th Regulatory Period Reset.

Aprubado ng ERC ang fixed rate na 3 centavos/kWh para sa under recovery ng NGCP na kokolektahin sa loob ng 84 na buwan upang mabuo ang Php 28 Bilyon.

Sinabi rin ng ERC na ang pagtaas na ito ay makatutulong sa NGCP sa pagpapalakas ng mga power grid.