-- Advertisements --

Umabot na sa 426,000 pamilya o 1.4 milyong katao ang apektado ng kalamidad batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Office of Civil Defense .

Ito ang kinumpirma rin ni OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, at Negros Island Region.

Mula sa mga nabanggit na rehiyon, ang Bicol Region ang nakapagtala ng pinakamaraming pamilya na inilikas .

Sinundan naman ito ng Eastern Visayas at CALABARZON.

Sa kasalukuyan, 92,000 pamilya o 318,000 katao ang nasa mga evacuation center.

Mayroon silang pansamantalang nanunuluyan sa halos 6,000 evacuation center.