Pinatatanggal na ni pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapataw ng travel tax sa mga biyahero o travelers.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castroi na nais kasi ng pangulo na mabawasan ang pasanin sa pagbiyahe ng mga pilipino hindi lamang para sa pamamasyal sa ibang mga bansa kundi kung may emergency cases na kailangang dalhin sa labas ng bansa at makahihimok din aniya ito ng mas marami pang turista.
Tiniyak naman ng palasyo na ang halagang mawawala mula sa pagtanggal sa travel tax ay maaaring pondohan ng gobyerno sa pamamagitan ng general appropriations act.
Sa kasalukuyang travel tax na ipinapataw sa mga bibiyahe palabas ng bansa, 50% dito ay napupunta sa tourism infrastructure and enterprise zone authority o tieza programs and projects, ang 40% para sa edukasyon at 10% ay para sa pagtataguyod ng kultura at heritage ng bansa.
Hindi pa naman aniya napag usapan sa ledac meeting ang lahat ng detalye hinggil dito dahil tinatrabaho pa lamang at pa plantsahin.
Si House Majority Leader Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang naghain ng panukalang batas na ito.









