-- Advertisements --

Inakusahan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga opposition senator na sinadya nilang hindi payagan ang online participation at voting para makontrol ang mga committees sakaling makuha nila ang majority floor.

Ikinumpara nito ang mga umanoy pagmamaneobra bilang isang destabilization tactics.

Ipinagtanggol din ni Cayetano ang hakbang ng majority na i-amiyenda ang panuntunan ng Senado.

Iginiit nito na nakatuon ang majority sa pamamahala at kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino at hindi pamumulitika.

Hindi aniya sila nasa Majority para manggulo dahil sila ang ginugulo.