Pinabulaanan ni Sen. Lito Lapid ang mga kumakalat na balita na lilipat na siya sa majority bloc sa Senado, matapos na hindi suportahan si Sen. Juan Miguel Zubiri na alisin sa tala ng Senado ang tungkol sa umano’y “propaganda video” ni Sen. Imee Marcos, na may kaugnayan naman sa umano’y pinaplanong “Charter-Change.”
“Kaliwanagan lang po. Manifestation lang. Tungkol po sa nangyari kahapon, marami pong kumakalat sa social media na ako’y lumipat na sa majority, hindi po ’yon totoo,” aniya.
“Nananatili po ako sa minority group at hindi po ako aalis dito,” pahayag ni Lapid.
Sa Senate plenary session noong Martes, Mayo 26, na mananatili parin siya sa minority bloc at walang katotohanan ang mga espekulasyon.
Ayon kay Lapid, sinusuportahan niya ang mosyon ngunit hindi lamang siya nakapagsalita sa tamang pagkakataon dahil inakala niyang magkakaroon ng botohan.
“Hiling ko lang po sana sa Senado, magkaisa tayo, iwasan ang bangayan, ang dami nating bisitang pari dito oh, ipagdasal n’yo po kami na magkaisa na kami para maibalik ang dangal ng Senado,” paliwanag pa niya.
















