-- Advertisements --

Maaari umanong maharap sa dereliction of duty o abandonment of duty ang mga miyembro ng Senate majority bloc, ayon kay dating Sen. Richard Gordon.

Ito ay kasunod ng naunang pag-boycott ng naturang grupo sa dalawang magkasunod na plenary session (June 1 at June 2).

Ayon kay Gordon, maaaring magtungo sa Supreme Court ang sinuman para kuwestyunin ang ginawa ng mga miyembro ng majority, lalo na sa hindi pagsipot sa dalawang nakatakdang plenaryo nang walang katanggap-tanggap na dahilan.

Maaari rin aniya itong gawin ng mga counterpart ng mga senador o mga miyembro ng House of Representatives, sampahan ang mga miyembro ng naturang bloc ng dereliction of duty o pag-abandona sa kanilang tungkulin.

Naninidgan naman si Gordon na hindi sapat na dahilan ang pagkaka-aresto ng isang senador (Sen. Jinggoy Estrada) para hindi na ipagpatuloy pa ng kapulungan ang nakatakda nilang sesyon.

Hindi rin dapat maging balakid aniya ang magkakaibang political affiliation ng bawat senador upang hindi na sila mag-usap usap para talakayin ang mga mahahalagang