-- Advertisements --

Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano sa mga kasapi ng minority bloc na magkaisa sa pagtatanggol sa kalayaan at kasarinlan ng Senado sa gitna ng mga isyung kinahaharap ng institusyon.

Sa kanyan post sa socpial media nitong Lunes, Hunyo 1, binigyang-diin ni Cayetano na ang Senado ay isang kapantay na sangay ng pamahalaan at hindi dapat ituring na “gantimpala o tropeo” na maaaring angkinin ng sinuman.

“The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ayon sa kanya.

Dagdag pa ng Senate President, anuman ang pagkakaiba ng pananaw ng mga senador sa liderato ng kapulungan, mahalagang manatiling nagkakaisa sa prinsipyo na ang mga usaping panloob ng Senado ay dapat resolbahin ng mismong institusyon.

“This chamber answers to GOD and the people who sent us here, and to no one outside these walls,” aniya.

Bagama’t hindi niya direktang tinukoy ang partikular na insidente, sinabi ni Cayetano na nasusubok ngayon ang kalayaan ng Senado at ang legal na katayuan ng mga miyembro nito.

“The independence of this institution, and the legal standing of any of its members, are not currencies. The day they become things to be traded, is the day that the Senate is diminished. And after the Senate, the Republic,” dagdag niya.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa gitna ng umiigting na tensyon sa Senado kaugnay ng mga usapin sa liderato, pagbabago sa mga patakaran ng Mataas na kapulungan, at mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang senador, kabilang ang mga isyu sa pag-aresto kina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa warrant mula sa International Criminal Court (ICC) at kay Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder.

“So I put one question to you, not as the majority but as the chamber: will you stand for the Senate’s independence?” tanong niya sa minorya.

“I am asking you to join one deliberate act — to let the Senate go quiet, together and by choice, so the country is made to ask why a co-equal branch would fall silent rather than be made to serve,” dagdag pa niya.