-- Advertisements --

Iginiit ni former Department of Finance Usec. Cielo Magno na dapat mabigyang linaw ang mga isyu patungkol sa usapin ‘national budget’.

Sa isang pahayag, sinabi ni Magno na kailangan sagutin raw ni former House Appropriations Committee Chairperson Stella Quimbo ang hinggil sa naturang kontrobersiya.

Nais kasing ipalinaw ng dating opisyal kay Quimbo ang partikular sa isyu ng unprogrammed funds at umano’y flood control insertions sa pambansang budget.

Siya raw kasi ang pinakaangkop na magpaliwang ukol rito sapagkat miyembro ng naganap na bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Appropriations Committee sa naganap na deliberasyon ng 2025 national budget.

Kasama rin siya sa tinatawag na small committee kung saan iniuugnay ang isyu sa sinasabing insertions sa naturang pambansang budget.