Inihayag ni dating Ilocos Norte Governor Chavit Singson na may hawak siyang mga ebidensya kaugnay ng umano’y malawakang katiwalian sa mga proyekto ng flood control sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Singson, sampu lamang sa 551 ang mga proyektong maayos habang ang iba ay pawang substandard at ghost project. Dagdag pa niya, hindi ito maikakaila dahil lumalabas sa geotagging na bayad na ang mga ito ngayong taon kahit may mga nakitang iregularidad.
Kasabay nito, kinuwestiyon ng dating gobernador ang kabuuang aabot sa apat na bilyong pisong pondo para sa buong lalawigan ng Ilocos Norte at pinuna ang Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi patas na paghawak sa mga kaso.
Ayon kay Singson, kung babalewalain ang kanyang mga dokumento, handa siyang lumapit sa simbahan o iba pang grupo upang ihayag ang isyu.
Nanawagan din siya kay dating House Speaker Martin Romualdez na magsalita na ukol sa isyu at huwag manatiling tahimik sa gitna ng mga ibinabatong kontrobersya.














