-- Advertisements --

Ilang linggo matapos ang kontrobersyal na paglisan ng isa sa pinakamataas na heneral ng China, naglabas ang CIA ng bagong video na naglalayong mang-akit ng mid-level Chinese military officers bilang informants.

Ipinakita sa video ang isang fictional officer na disillusioned sa kanyang nakatataas, at bahagi ito ng kampanya ng Washington na palawakin ang human intelligence laban sa China.

Sinundan nito ang isang katulad na effort noong Mayo na nagbigay ng Chinese-language instructions sa pakikipag-ugnayan sa US intelligence.

Ayon kay CIA Director John Ratcliffe, marami na ang naabot ng mga video at patuloy nitong inaalok sa mga opisyal ng China ang “opportunity to work toward a brighter future together.”

Nitong nakaraang buwan, iniimbestigahan si Zhang Youxia, vice-chairman ng Central Military Commission, sa pinakamataas na-profile na paglisan ng senior military leader sa mga dekada.

Ayon sa CIA, matagumpay ang kampanya sa kabila ng “Great Firewall,” at nakaka-engage sa intended audience. Ang mga spy operations na ito ay bahagi ng lumalalang military at technological rivalry sa pagitan ng US at China, na itinuturing ng marami bilang bagong anyo ng cold war. (report by Bombo Jai)