-- Advertisements --

Inaasahan ng Chinese Embassy sa Manila na gaganap ang DFA ng “constructive role” sa pagsasaayos ng alitan ng dalawang bansa at sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, ayon kay embahada spokesperson Ji Lingpeng.

Ito ay kasunod ng panawagan ni DFA maritime affairs spokesman Rogelio Villanueva Jr. sa embassy na maging “constructive” sa kanilang mga pahayag sa gitna ng word war sa ilang mambabatas tungkol sa West Philippine Sea.

Ayon sa tagapagsalita , Kailangan ng isang maayos na diyalogo sa pagitan ng China at Pilipinas ng mga konstruktibong pahayag mula sa parehong panig, at hinimok ang Pilipinas na “magsalita nang nagkakaisa at konstruktibo.”

Idinagdag niya na muling nagsimula ang political consultations ng dalawang foreign ministries matapos ang isang taong pahinga. (report by Bombo Jai)