-- Advertisements --

Aminado ang abugadong si Atty. Levi Baligod na “error” o nagkamali lang siya nang maisama niya sa listahan ng mga mambabatas na nakatanggap umano ng malaking bulo ng pera si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima.

Depensa ng batikang abogado sa isang panayam, binabanggit kasi noon ng mga retiradong sundalo na nakakasama ang dating senador sa mga meeting patungkol sa International Criminal Court (ICC).

Posible aniyang ito ang nagtulak kaya nilagay niya na lamang siya sa mga miyembro ng Congress na umano’y tumanggap ng pera.

Aminado ang abogado na maaari itong tawagin bilang kaniyang pagkakamali.

Kung babalikan ay nahalal lamang si De Lima sa 2025 midterm elections kayat nagbabalik lamang siya bilang mambabatas sa ilalim ng 20th Congress.

Nilinaw din ng abogado na hindi male-maletang pera ang ibinigay kay de Lima, kundi paperbag lang na posible umanong may laman na P5 million hanggang P10 million.