Desidido si dating Senate President Vicente Sotto III, na magsampa ng kasong libel at cyberlibel laban sa 18 witness na nagpakilalang umano’y dating Marines.
Ang nasabing mga Marines ay humarap sa Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes na pinamunuan ni Senator Rodante Marcoleta.
Inakusahan umano ng mga ito na tumanggap si Senator Sotto ng kickbacks mula sa flood control projects.
Ayon kay Sotto na malalaman sa araw ng Lunes kung maisasama ba sa kaso ang mga taong nagdala at nagturo sa mga 18 dating mga bodyguards.
Habang sinabi naman ni dating Blue Ribbon Committee chairperson Senator Panfilo Lacson , na ang mga Senador na nanguna sa pagdinig noong nakaraang Huwebes ay maaari ding maharap sa mga kaso.
Sinabi ni Lacson na maaari talaga silang makasuhan ng cyber libel atilang krimen dahil sa bogus na hearing kung saan walang parliamentary immunity ang mga Senador na lumahok.
Binatikos din ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang ginawang pagdinig dahil mayroon na silang ginagawang imbestigasyon rin sa umanoy anomalya sa flood control.
















