-- Advertisements --

Nasa US ngayong si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Nakatakda itong makipagpulong kay US President Donald Trump sa White House.

Sinabi ni Trump na isusulong niyang tapusin na na ang kaguluhan sa Gaza.

Magugunitang natuloy na ang peace talks ng Hamas at Israel na ginaganap sa Qatar.

Ang nasabing peace deal ay naglalaman ng 60-araw na ceasefire at pagpapakawala ng mga hostages.