-- Advertisements --

Inilunsad ng DepEd ang Healthy Learning Institutions program para gawing ligtas at mas malusog ang mga pampublikong paaralan sa pakikipagtulungan ng DOH, LGUs, at komunidad.

Batay ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang ilang pagsusuri ng mga eksperto.

Isa sa mga tagumpay nito ay ang Taguiporo Elementary School sa Ilocos Sur na dating kulang sa pasilidad, ngunit ngayo’y may mga bagong palikuran, dental at mental health services, feeding program, at hardin.

Umabot na sa mahigit 1,500 paaralan ang nagsagawa ng pagbabago sa ilalim ng OK sa DepEd–HLI initiative, gamit ang self-appraisal system at WHO-based standards.

Mahigit 1,300 sa mga kalahok ay “Last Mile Schools” na ngayon ay tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DOH para sa kalinisan, nutrisyon, at mental health training.

Inaasahang maisasabatas ngayong taon ang DepEd Order na magpapalakas at magpapalaganap sa HLI framework bilang bahagi ng Learner Support Framework sa lahat ng pampublikong paaralan. (REPORT BY BOMBO JAI)