-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng 25 percent na buwis sa mga produktong mula sa South Korea at Japan.

Ayon kay Trump na magsisimula ang pagpapatupad ng pagpataw ng panibagong buwis sa Agosto 1.

Pinadalhan na niya ng sulat ang lider ng dalawang bansa ukol sa nasabing plano.

Iminumungkahi sa nasabing sulat na nagsasabing seryoso si Trump sa unang pahayag niyang pagpapatupad ng nasabing mga taripa.

Plano din ng White House na padalhan ang ilang mga lider ng bansa dahil sa malapit ng magtapos ang 90-araw na palugit para sa agresibong taripa.