-- Advertisements --

Pasok sa top 10 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang best spots ng layover food ng Airport Parking and Hotels (APH).

Base sa ranking ng United Kingdom based company, nasa pang-pitong puwesto ang NAIA.

Mayroong 131 kasi na mga kainan na mapagpipilian sa NAIA.

Nanguna naman ang Changi Airport sa Singapore na mayroong 247 na mga kainan at cafe.

Kasama rin sa listahan ang O’Hare International Airportsa US, Haneda Airport sa Japan at maraming iba pa.

Nagpasalamat naman ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) sa nasabing pagkilala at sabik nilang inanunsiyo na mayroon pang ibang mga kainan ang nakatakdang magbukas.

Pinuri naman ng Department of Tourism ang pagkilala na ito sa NAIA kung saan naging malaking tulong dito ang kasalukuyang modernization sa paliparan.