-- Advertisements --

Inihayag ng Ukrainian Air Force na 728 drones at 13 missiles ang inilunsad ng Russia laban sa Ukraine nitong magdamag—ang pinakamalaking drone attack mula sa pagsisimula ng digmaan.

Ayon sa ulat ngayong Miyerkules, 718 drones at 7 missiles ang matagumpay na pinabagsak ng Ukrainian air defense systems.

Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang pag-atake bilang patunay na kailangang paigtingin ang “masasakit na” sanctions laban sa Russia, pati na ang karagdagang parusa sa sektor ng langis ng Moscow. (report by Bombo Jai)