-- Advertisements --

Nakatakdang sirain ng Department of Agriculture (DA) ang tone-toneladang sibuyas na nasabat sa Mindanao International Container Terminal.

Unang isinailalim sa laboratory analysis ang mga naturang kontrabando at kinalaunan ay nagpositibo ang mga ito sa E.coli bacteria, batay sa official report ng Bureau of Plant Industry.

Batay sa costums regulation, ang mga contaminated perishable goods ay dapat sirain kaagad o ipabalik sa bansa kung saan nagmula ang mga ito.

Kinumpirma ni DA Sec. Francisco Laurel Jr. na sisirain na lamang ang mga ito, gamit ang mga pasilidad ng pamahalaan, upang mapigilan ang posibleng pagpasok ng mga naturang produkto sa iba’t-ibang mga merkado.

Kung babalikan ang record ng DA at Bureau of Costums, dumating ang mga naturang kontrabando sa Mindanao International Container Terminal noong buwan ng Mayo. Ang mga ito ay pawang nagmula sa China.

Unang naideklara ang mga naturang kontrabando bilang mga food items tulad ng egg nodles, pizza, atbpa.

Ang consignee nito ay natukoy bilang isang Manila-base trading company.