Hindi nababahala ang mga kaanak ng mga biktima Duterte drug war sa ginawa ng defense team na pagtabla sa mga argumentong unang inilatag ng prosekusyon sa nagpapatuloy na confirmation of charges hearing ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Sa isang panayam sa The Hague kasunod ng ikatlong araw ng hearing, sinabi ni Sheera Escudero na matibay mga ebidensiyang hawak ng prosecution laban sa kasong crimes against humanity ng dating pangulo.
Tiyak aniyang masasagot ng prosecution ang mga argumento ng defense, kasama ang pagpresenta ng sapat na dokumento bilang kasagutan sa naging presentasyon ng legal team ng dating pangulo.
Sa kabila rin ng ginawang pagtabla ng depensa sa mga inilatag ng prosekusyon, iginiit ni Sheera Escudero na walang-sawa silang mananawagan ng hustisya para sa kapatid niya at iba pang napatay sa kasagsagan ng drug war.
Aniya, ang laban para sa hustisiya ay sigaw ng mga pamilya ng libu-libong drug war victims na ilang taon ding humiling na mapakingan.
Kasama ni Escudero ang iba pang pamilya ng mga drug war victim na personal na nanonood sa International Criminal Court proceedings
















