-- Advertisements --
Muling naglabas ng galit at kalungkutan si US President Donald Trump laban kay Russian President Vladimir Putin.
Sa ginawa nitong cabinet meeting sa White House ay hindi niya mapigilang murahin ang Russian President.
Ikinokonsidera din ni Trump na patawan ng dagdag na sanctions ang Russia dahil sa patuloy na pag-atake nito sa Ukraine.
Magugunitang makailang ulit na nagkaroon pag-uusap sina Trump at Putin sa telepono kung saan hindi pa rin ito tumutugon sa ceasefire deal na kaniyang isinusulong.
Pinuri din ni Trump ang mga Ukrainian dahil sa kanilang tibay at lakas sa pakikipaglaban sa Russia.