Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na lahat ng mga local government units sa bansa ay makakatanggap ng Patient Transport Vehicle bago matapos ang taon.
Ayon sa Pangulo na sisikapin ng kaniyang administration na mabigyan ng mga Patient Transport Vehicle o PTV ang lahat ng lungsod at munisipyo sa bansa bago matapos ang taon.
Sa pamamahagi ng PTVs sa Quirino Grandstand kaninang umaga, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng magandang klase ng serbisyo lalo na pagdating sa kalusugan.
Iniulat din nito na mula June 2022 hanggang June 2025, umabot na sa 680 units ng PTVs ang naipamahagi, at nadagdagan pa ito ng 397 ngayong araw.
Ang mga bagong PTV ay ibibigay sa mga LGU sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region, habang sunod namang mabibigyan ang Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
Sa kabuuan, mayroong 149 na lungsod at 1,493 na munisipalidad sa buong bansa. Ayon sa Pangulo, maaaring makatanggap ng karagdagang unit ang mga malalaking LGU.
Hiling lang ng Punong Ehekutibo sa mga LGU, alagaan ang mga sasakyan para tuloy-tuloy ang serbisyong medikal sa mga nangangailangan.