Pinangunahan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pulong ng ASEAN Finance and Central Bank Deputies’ Meeting – Working Group (AFCDM-WG) upang isulong ang mas malakas na integrasyong pinansyal sa Southeast Asia.
Sa pulong na ginanap nitong Pebrero 13, 2026, binigyang-diin ni DOF Undersecretary Joven Balbosa na ang pangunahing layunin ng bansa ay matiyak na ang mga regional cooperation ay magbubunga ng konkretong benepisyo para sa mga negosyo, mamumuhunan, at bawat mamamayang ASEAN.
Ang mga pangunahing prayoridad sa nasabing pulong ay ang ang cross-border payments layong magpapabilis at pagpapamura ng mga transaksyong pinansyal sa pagitan ng mga bansa; pagpapalawak ng access sa mga serbisyong pinansyal para sa mas maraming tao at pagpapatatag sa kakayahan ng rehiyon na humarap sa mga krisis pang-ekonomiya, pagpapaunlad ng merkado upang suportahan ang mga investment at pangmatagalang paglago.
Bilang co-chair, katuwang din sa pamumuno si BSP Managing Director Thomas Benjamin Marcelo upang itulak ang mga aksyong magpapalakas sa polisiya at kooperasyon ng mga ekonomiya sa ASEAN.
Ang mga napagkasunduan sa Bohol ay itataas sa ASEAN Finance and Central Bank Deputies’ and Governors’ Meetings sa huling bahagi ng taon bilang bahagi ng pagbuo ng mas inklusibo at matatag na ASEAN Economic Community (AEC) matapos ang 2025.
















