Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) ang ika-61 na ASEAN Senior Transport Officials Meeting at ika-5 ASEAN–U.S. Senior Transport Officials Dialogue mula Mayo 19 hanggang 21, 2026 sa pamamagitan ng videoconference.
Dumalo rito ang mga senior transport officials mula sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang talakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon at pagsusulong ng ligtas, moderno, at inklusibong sistema ng transportasyon sa rehiyon.
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng mas matibay na koneksyon at mobilidad sa ASEAN para sa kapakinabangan ng mamamayan. Samantala, sinabi naman kay Transportation Secretary Giovanni Lopez na patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga bansang ASEAN upang mapabuti ang transportasyon at kalidad ng buhay sa rehiyon.
Ayon naman kay Undersecretary Teodorico Jose Delfin, mahalagang maramdaman ng mga mamamayan ang konkretong benepisyo ng integrasyon ng ASEAN sa pamamagitan ng mas maayos na transportasyon.
May halos 700 milyong populasyon ang ASEAN at inaasahang magiging ikaapat na pinakamalaking ekonomiya sa mundo pagsapit ng 2030.










