-- Advertisements --

Nakataas ang Red Rainfall Warning sa buong lalawigan ng Bataan at ilang lugar sa tatlo pang probinsiya sa bansa bunsod ng patuloy na mabibigat na pag-ulang dala ng habagat ngayong araw, Agosto 19.

Kabilang sa mga lugar na inilagay sa Red Rainfall Warning ay ang Castillejos, Subic, Olongapo at San Antonio sa probinsiya ng Zambales gayundin sa Ternate, Maragondon, Alfonso, General Emilio Aguinaldo at Magallanes sa probinsiya ng Cavite at sa Nasugbu, Lian, Calatagan, Balayan at Tuy sa Batangas.

Kaugnay nito, ibinabala ang seryosong pagbaha sa flood-prone areas.

Mas maraming lugar naman ang isinailalim sa Orange Rainfall Warning dahil sa patuloy na banta ng baha kabilang ang ilang lugar sa Zambales, Tarlac, Pampanga (na nakararanas ng mataas na lebel ng tubig-baha), Cavite, Batangas at Bulacan.

Nakataas naman ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila, Rizal, ilang lugar sa Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Tarlac, Pampanga, at Bulacan. Pinag-iingat din ang mga nasa flood-prone areas sa posibleng pagbaha.

Nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, na may paminsan-minsang mabibigat na pag-ualn sa mga sumusunod na lugar:

-Nueva Ecija: Carranglan, Lupao, Pantabangan, San Jose
-Quezon: Infanta, Real
-Laguna: Biñan, San Pedro, Santa Rosa, Cabuyao, Calamba, Los Baños, Bay, Calauan, Alaminos

Maaari namang magpatuloy ang mga pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa sunod na tatlong oras at maaaring makaapekto sa mga karatig na lugar.