-- Advertisements --

Patuloy na magdadala ng monsoon rains ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Kasabay nito, patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA).

Ang LPA 08f, na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ay mayroon nang mataas na posibilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Huling namataan ito sa layong 1,140 km ng East of Northern Luzon.

Habang ang isang LPA 08g, na nasa labas ng PAR, ay mayroon namang ”medium” chance na maging tropical depression.

Huli itong namataan sa layong 295km ng West Northwest of Laog City, Ilocos Norte.

Pinakamatinding epekto ng Habagat ay inaasahan sa Benguet, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro, kung saan makararanas ng monsoon rains.

Sa Metro Manila, Ilocos Sur, Abra, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Laguna, Rizal, Oriental Mindoro at Antique, inaasahan ang paminsan-minsang pag-ulan.

Sa Negros Island Region, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas, asahan na ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ibayong pag-iingat para sa mga nabanggit na lugar na posible ang mga pagbaha at landslide.