-- Advertisements --

Na-diagnosed na may thyroid cancer si dating US Attorney General Pam Bondi.

Nabunyag ang kaniyang diagnosis ilang araw matapos na tanggilin siya ni US President Donald Trump sa puwesto.

Ayon sa kaanak ng 60-anyos na si Bondi na patuloy ang kaniyang pagpapagamot at inaasahan na ito ay sasailalim sa operasyon.

Noong tinanggal si Bondi sa Department of Justice bago ang buwan ng Abril ay sinabi nito na sabik na siyang pumasok sa pagiging pribado.

Ang thyroid cancer ay mayroong limang taon na survival rate ng mahigit 98 percent at kadalasan na uri nito ay maaring magamot.