-- Advertisements --

Namamayagpag pa rin ang National Capital Region (NCR) sa partial at unofficial medal tally ng Palarong Pambansa 2026 ngayong Mayo 27, 2026.

Nangunguna ang NCR na may 12 gintong medalya, 6 na pilak, at 10 tanso para sa kabuuang 28 medalya.

Pumapangalawa ang CALABARZON (Region IV-A) na may 9 ginto, 8 pilak, at 6 tanso (23 medalya).

Habang nasa ikatlong puwesto ang Western Visayas (Region VI) na may 7 ginto, 5 pilak, at 7 tanso (19 medalya).

Sumunod ang Negros Island Region (NIR) na may 6 ginto, 4 pilak, at 2 tanso (12 medalya), at ang Bicol Region (Region V) na may 5 ginto, 3 pilak, at 5 tanso (13 medalya).

Kasama rin sa top 10 ang Eastern Visayas (Region VIII) na may 11 medalya, Central Visayas (Region VII) na may 15 medalya, Northern Mindanao (Region X) na may 12 medalya, Central Luzon (Region III) na may 9 medalya, at Ilocos Region (Region I) na may 10 medalya.

Samantala, nakapagtala rin ng medalya ang Davao Region (Region XI), Zamboanga Peninsula (Region IX), National Academy of Sports (NAS), MIMAROPA (Region IV-B), SOCCSKSARGEN (Region XII), Cagayan Valley (Region II), BARMM, at Cordillera Administrative Region (CAR). Wala pang medalya ang Association of Philippine Schools Overseas (APSO).

Ang Palarong Pambansa ngayong taon ay nilalahukan ng mga atleta mula sa 18 rehiyon ng bansa, kasama ang NAS at APSO, kung saan halos 1,500 medalya ang nakataya sa 24 na regular sports, demo, para, at exhibition events.

Target ng NCR na makuha ang ika-19 na sunod-sunod na overall championship matapos ang kanilang dominasyon noong 2025 sa Ilocos Norte.