-- Advertisements --

Kinumpirma na ng aktor na si Jake Cuenca ang relasyon niya kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Ayon sa aktor na napahanga siya ng labis kay Rabiya dahil sa pagiging matalino nito.

Siya aniya ang gumawa ng hakbang para tuluyang magkakilala sila ni Rabiya.

Nagsimula itong magpapansin sa aktres gamit ang social media hanggang tuluyan itong napansin ng beauty queen.

Naging opisyal ang relasyon ng dalawa noong Mayo 18 noong niyaya niya ito na magtungo sa Disneyland sa Hong Kong.