-- Advertisements --

KATOTOHANAN, HINDI “POLITICAL THEATER,” ANG INAASAHAN NG PUBLIKO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP ADIONG

Iginiit ni REP. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng House prosecution panel, na katotohanan at hindi “political theater” ang inaasahan ng publiko sa nalalapit na impeachment trial ni Sara Duterte.

Ayon kay Adiong, tungkulin ng House prosecution panel na malinaw, maayos at naaayon sa Konstitusyon ang presentasyon ng mga ebidensya at hindi lumikha ng ingay o palabas sa politika. Aniya, handa na ang panel at naghihintay na lamang ng pinal na iskedyul mula sa Senado.

Binigyang-diin din niya na ang impeachment proceedings ay hindi dapat tingnan bilang usaping rehiyonal o laban sa Mindanao, Davao, o anumang grupo, kundi isang prosesong itinakda ng batas.

Dagdag pa ni Adiong, nakahanda ang prosecution panel na iharap ang mga dokumento, opisyal na rekord at mga sinumpaang salaysay bilang suporta sa Articles of Impeachment, at dapat umanong nakabatay sa ebidensya ang magiging desisyon at hindi sa political pressure o social media narratives. (Report by Bombo Jai)