-- Advertisements --

Tanging ang Senate impeachment court at hindi ang House prosecution panel ang magdedesisyon kung papayagan na hindi padadaluhin sa pagdinig si dating Davao City court of sheriff Abe Andres.

Sinabi ni House prosecution panel spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na naiintindihan nito ang pagtanggi ni Andres na muling buhayin ang naging alitan nila noon ni Vice President Sara Duterte.

Dagdag pa ng mambabatas na walang sinumang indibidwal na nais pang muling alalahanin ang hindi magandang pangyayari.

Si Andres ay siyang court sheriff kung saan sinuntok ni Duterte noong 2011 sa isang demolition operation sa mga informal settlers.

Sa nasabing pangyayari ay alkalde pa ng Lungsod ng Davao ang Bise Presidente.

Habang si Andres ay isa na ngayong human resource management officer ng Korte Suprema.