Pinaghahanda ni US President Donald Trump ang kaniyang mamamayan sa matindi pang epekto ng coronavirus sa kanilang bansa.

Ito ay kasunod na nanguna na ang US sa may pinakamaraming bilang ng nasawi sa buong mundo.

Mayroon 3,780 na ang nasawi sa US habang ang China ay mayroong 3,305.

Mayroon ding pinakamaraming bilang ang US na nadapuan ng virus na mayroong 185,270 habang ang Italy ay mayroong 105,702 na sinundan ng Spain ng 95,923.