-- Advertisements --

Inilunsad nitong Biyernes ang Ajuy-1 Solar Power Project, isang 62 megawatt peak solar facility sa Iloilo na may halagang P2.7 billion, na naglalayong palakasin ang paggamit ng renewable energy sa Panay Island.

Binigyang diin ni Energy Secretary Sharon Garin ang kahalagahan ng proyekto sa pagbabawas ng pagdepende sa fossil fuel at pagtugon sa lumalaking demand sa malinis na enerhiya.

Nabatid na ang planta, na itinatayo ng Jin Navitas Solaris, ang kauna-unahang malakihang solar facility sa lalawigan na magko-konekta sa Panay Island grid sa pamamagitan ng Sara-Panit 69-kV transmission line.

Napili ang proyekto sa ilalim ng Green Energy Auction Program 2 ng Department of Energy at may green energy tariff na P4.35 kada kilowatt-hour.

Ayon sa mga opisyal, magdudulot ito ng mas matatag na suplay ng kuryente sa Northern Iloilo, mas mababang gastos sa kuryente para sa mga konsyumer, at karagdagang kita sa lokal na pamahalaan.

Sinusuportahan din nito ang layunin ng gobyerno na magkaroon ng 35% renewable energy share sa 2030 at 50% pagsapit ng 2040.