-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Nitong alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.20 sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong P0.60 na pagtaas sa kada litro ganun din ang kerosene ay mayroong P0.60 na pagtaas sa kada litro.

Isa pa ring dahilan na nakita ng Department of Energy (DOE) na dahilan ng pagtaas ay ang geopolitical tensiyon sa pagitan ng US at Iran.

Kasama na rin ang potensiyal na banta ng suplay sa Strait of Hormuz.