-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang dagdag na P0.60 sakada litro ng gasolina.
Mayroon ding P1.00 na dagdag sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong dagdag na P0.60 sa kada litro.
Ito na ang pangalawang sunod na pagtaas sa produktong langis ngayong buwan ng Pebrero.
Isa sa mga dahilan na nakita ng Department of Energy (DOE) ng pagtaas ng produktong langis ay ang tensyon sa pagitan ng US at Iran matapos ang naganap na kilos protesta doon.
















