-- Advertisements --

Isinusulong ng grupong Pasang Masda ang dagdag na P1.00 na provisional increase sa pamasahe dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon sa grupo na ito ay magiging temporaryo laman na magiging P14 na ang minimum na pamasahe sa jeep mula sa dating P13.00.

Sinabi ni Pasang Masda president Obet Martin na dapat ay maintindihan ng mga opisyal ng gobyerno ang nasabing hirit nila na taas pamasahe.

Marami aniya sa kaniyang grupo ang dumadaing dahil sa magkakasunod na linggo na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Humingi rin ito ng pang-unawa sa mga mananakay dahil ito ay temporaryo lamang ang taas pasahe.