-- Advertisements --

Nilinaw ng International Criminal Court (ICC) na ang desisyon pa rin ng mga judges nila kung papayagan ang hirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag dumalo ng personal sa confirmation of charges hearings sa susunod na linggo.

Ayon sa ICC na isa lamang itong hiling mula sa defense at ang mga ICC judges lamang ang magdedesisyon kung papayagan ito.

Reaksyon ito ng ICC sa ginawang pagsulat ni Duterte na nag-waive ito ng kaniyang karapatan para dumalo sa pagdinig mula Pebrero 23 hanggagn 27.

Kinasuhan ng ICC Prosecutor ang dating pangulo ng 49 insidente ng murder at attempted murder habang ipinapatupad nito ang anti-drugs operasyon.