-- Advertisements --

Nilinaw ni atty. Michael Wesley Poa na Hindi awtomatikong dadalhin ng depensa sa supreme court ang mga usaping lumilitaw sa impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Poa, tinitingnan muna nila kung ang isang isyu ay justiciable o maaaring resolbahin ng Korte Suprema, at kung ito ay sapat nang ripe o napapanahon para iakyat sa nasabing korte.

Aniya, nakadepende ito sa sitwasyon at sa magiging assessment ng depensa kung kinakailangan at may sapat na basehan para humingi ng intervention ng Supreme Court.

Iginiit ni Poa na hindi nila gagamitin ang pag-akyat sa Supreme Court para manggulo o maantala ang impeachment proceedings.

Aniya, ayaw rin nilang dagdagan ang burden ng korte suprema sa mga usaping wala namang sapat na batayan.