-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine National Police na buto ng mga tao ang mga nakuhang nakasilid sa sako na itinapon sa Taal lake sa Talisay , Batangas.
Sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre II, na ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng kanilang mga ekesperto sa PNP.
Dagdag pa nito na maaring may nahalo rin na buto ng mga hayop sa mga nadiskubre sa lugar.
Sa kabuuang limang sako na narekober mula sa Taal Lake ay mahigpit nilang sinusuri ang mga ito.
Dinala na ang mga ito sa forensic group para magsagawa ng cross-matching ng DNA samples sa mga nawawalang sabungero.
Sa kasalukuyan ay mayroong 12 pamilya ng nawawalang sabungero ang nagbigay na ng DNA samples para mai-crossmatch sa mga nadiskubreng buto.