Nominado ang Pilipinas sa 24th edition ng Wanderlust Reader Travel Awards bilang “most desirable country” sa buong mundo.
Ayon sa Department of Tourism, na bukod sa nasabing kategorya ay kasama rin ang Cebu na nominado bilang Most Desirable Region sa buong mundo at Palawan bilang Most Desirable Island sa buong mundo.
Maari ring magwagi ang bansa sa mga subcategories sa ilalim ng Most Desirable Country gaya ng Culture and Heritage, Nature and Wildlife, Adventure, Gastronomy at Sustainability.
Ikinatuwa naman ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang nasabing nominasyon dahil ito ay makakatulong sa pagsulong ng bansa bilang pangunahing travel destination.
Hinikayat nito ang publiko na suportahan ang nominasyon sa pamamagitan ng pagboto sa pagtungo ng website ng Wanderlust Reader Travel Awards.