-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa US ay dahil na rin sa imbitasyon ni President Donald Trump.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na si Marcos lamang ang maituturing na unang ASEAN leaders na inimbitahan ni Trump sa White House.
Mananatili si Marcos sa Blair House ang opisyal na presidential guest residence sa White House.
Itinakda ang pagbisita mula Hulyo 20 hanggagn 22 kung saan ilan sa mga maaring talakayin ng dalawang lider ay ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ng US at Pilipinas.
Ang nasabing pagbisita ay kasunod ng pagpapatupad ni Trump ng 20 percent na taripa sa mga produkto ng Pilipinas na dinadala sa US.