TRump ASEAN summit
Donald Trump

Inanunsiyo ng White House na ang US ang magiging host ng 2020 G7 summit.

Ayon kay White House acting chief of staff Mick Mulvaney, gaganapin ito sa Hunyo 10-12 sa Trump National sa Dorial, Florida.

Dagdag pa nito, wala silang babaguhing criteria gaya nang ipinatupad ng mga nakaraang administrasyon.

Dumepensa rin ito dahil ang Dorial ay isang magandang lugar kung saan gagawin ang summit.

Wala rin aniyang kikitain ang Pangulo sa nasabing hosting ng event.