Patuloy ang pagdami ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking partidong pampulitika sa bansa at sa Kongreso, na pinamumunuan ni Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez.
Nitong Miyerkoles, pinangasiwaan ni Rep. Romualdez ang panunumpa bilang miyembro ni Representative Dibu Tuan ng ika-3 Distrito ng South Cotabato kaya umakyat na sa 111 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD ngayong 20th Congress.
Sa kanyang pagtanggap sa mga bagong miyembro ng partido, ipinahayag ni Rep. Romualdez ang kanyang tiwala na ang kanyang mga kasama sa Lakas-CMD ay magiging kaagapay sa mga layunin at adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mas maayos na pamumuhay ng sambayanang Pilipino at sa pagtupad ng isang “Bagong Pilipinas.”
Binanggit niya na kamakailan ay nagsagawa ng mga pagbisita sa mga lalawigan ang Pangulo upang personal na tiyakin na maayos na naipapatupad ang kanyang mga programa, proyekto, at polisiya, at na unti-unti nang naisasakatuparan ang kanyang mga layunin sa mga lokalidad.
Hinimok niya ang bagong miyembro ng partido na aktibong makilahok at maging produktibo sa pakikipag-ugnayan sa partido at sa ika-20 Kongreso.
Ang pag-anib nina Rep. Mercado at Rep. Tuan sa Lakas-CMD ay kasunod ng kamakailang panunumpa ng mga sumusunod na kinatawan: sina Rep. Jhong Ceniza ng ikalawang distrito ng Davao de Oro, Gerald Galang ng ikalawang distrito ng Valenzuela, Leandro Leviste (Independent) ng unang distrito ng Batangas, Mauricio Domogan (Independent) ng Lone District ng Baguio City, John Tracy Cagas (NP) ng Lone District ng Davao del Sur, Edwin Crusado (PMP) ng unang distrito ng Cotabato, at Reynaldo Salvacion (Independent) ng Lone District ng Marinduque.
Si Governor Raul Mabanglo ng Davao de Oro ay pormal na ring sumanib sa Lakas-CMD, na nagdadala sa kabuuang bilang ng mga gobernador na kaalyado ng partido sa 16.